Umarangkada na ang COMELEC Voter’s Education Drive and Registration Fair 2024 sa Catarman, Northern Samar.
Nagsimula ito kahapon, March 14 at tatagal ito hanggang ngayong Biyernes.
Muli itong magbubukas sa UEP volleyball court, simula alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon. Para sa mga interesado, magdala lamang ng kahit anong valid ID o kaukulang mga dokumento.