Sinentensyahan ng kamatayan ng korte sa Vietnam ang real estate tycoon na si Truong My Lan bunsod ng 304 trillion dong o 12.46-billion dollar financial fraud case, na pinakamalaki sa kasaysayan ng naturang bansa.
Ayon sa state media, sa pagtatapos ng trial sa business hub sa Ho Chi Minh City, guilty ang chairwoman ng real estate developer ng Van Thinh Phat Holdings Group, sa embezzlement, bribery, at violations ng banking rules.
Ang trial na nagsimula noong March 5 at natapos ng maaga kaysa sa plano, ay bahagi ng kampanya laban sa katiwalian na ipinangako ng leader ng ruling communist party ng Vietnam na si Nguyen Phu Trong.