KUMASA si Calbayog City Vice Mayor Rex Daguman sa hamon na magsilbing focal person ng Tingong Party-List sa lungsod.
Kasunod ito ng official launching ng Tingog Party-List Coordinators, kung saan pormal na ipinakilala si Vice Mayor Rex ni Tingog Party-List Rep. Jude Acidre.
Ang bagong responsibilidad ay magpapatingkad sa dedikasyon ng bise alkalde sa pagsisilbi sa mga Calbayognon.
Sa pamumuno ni Daguman, asahan na ang mga tulong at programa ay mas magiging accessible para sa pangangailangan ng bawat residente ng Calbayog.