Isiniwalat ni Vice Ganda na mayroon silang plano ng pumanaw na multi-awarded actress na si Jaclyn Jose na gawin ang kanyang “dream project.”
Sa isang panayam, sinabi ni Vice na nais niyang makatrabaho si Jaclyn sa isang indie-type comedy kung saan gaganap silang mag-ina.
Nalulungkot at nanghihinayang ang komedyante dahil hindi na matutuloy ang plano dahil sa biglaang pagpanaw ng premyadong aktres.
Unang nagkasama sina Vice at Jaclyn sa Metro Manila Film Festival entry na “fantastica” noong 2018.