21 May 2025
Calbayog City
Local

Unang benepisyaryo sa ilalim ng MAIPP, malugod na pinagsilbihan sa Calbayog City

MALUGOD na pinagsilbihan ng St. Camillus Hospital of Calbayog ang unang benepisyaryo sa ilalim ng Medical Assistance to Indigent Patients program (MAIPP).

Kasabay nito ay ang pangako ng ospital na magbibigay ng dekalidad na healthcare sa mga nangangailangan.

Layunin din ng programa na magbigay ng medical assistance sa mga pasyenteng walang kakayahang magbayad sa kanilang gamutan at confinement, pati na laboratory test, radiological at iba pang diagnostic procedure.

Pinasalamatan din ng pamunuan ng St. Camillus Hospital sina Samar 1st District Rep. Jimboy Tan, Calbayog City Mayor Raymund Uy, Vice Mayor Rex Daguman, at DOH Eastern Visayas Regional Director, Dr. Exuperia Sabalberino, sa tiwalang ibinigay sa kanila.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *