14 December 2024
Calbayog City
Local

UN Special Rapporteur Irene Khan bumisita sa Tacloban City Jail

BINISITA ni United Nations Special Rapporteur on Freedom of Opinion and Expression Irene Khan ang mga miyembro ng “Tacloban 5” sa Tacloban City Jail.

Ikinulong ang “Tacloban 5” makaraang paghinalaan ng mga otoridad na may ugnayan sila sa New People’s Army (NPA).

Ayon sa Presidential Task Force On Media Security (PTFOMS), dumating si Khan sa Tacloban City Jail noong Sabado para tingnan ang kondisyon nina Frenchie Mae Cumpio, Mariel Domequil, at Alexander Philip Abinguna. 

Si Cumpio na umano’y secretary ng Regional White Area Committee of the Eastern Visayas Regional Party Committee at apat na ibang pinaghihinalaang rebelde ay inaresto noong February 2020.

Kinasuhan sila ng illegal possession of firearms and explosives makaraang makumpiskahan sila ng militar ng dalawang hand grenades, dalawang kalibre kwarenta’y singko, mga bala, watawat ng Communist Party of the Philippines, at 567,000 pesos na cash, nang silbihan sila ng search warrant.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *