13 February 2025
Calbayog City
Entertainment National

TVJ rightful owner ng trademark ng Eat Bulaga

tvj eat bulaga

Panalo ang TVJ sa inihain nitong copyright infringement at unfair competition case laban sa TAPE Inc. at GMA-7 hinggil sa usapin ng pagmamay-ari ng trademark na Eat Bulaga at EB.

Sa desisyon ng Marikina City Regional Trial Court Branch 273, pinagbawalan na ang TAPE at GMA na gamitin ang trademarks na “EB” at “Eat Bulaga,” gayundin ang Eat Bulaga jingle.

Dahil din sa pasya ng korte, malaya nang magagamit ng TVJ ang nasabing mga trademark at ang jingle sa kanilang noontime show sa TV-5. 

Sa desisyon ng RTC, napatunayan na ang host na si Joey de Leon ang siyang gumawa ng trademark na “Eat Bulaga,” habang ang TAPE ay nabigong kontrahin ang mga pahayag ni De Leon.

Ayon sa pahayag ng TVJ, sa ilalim ng 2020 Revised Rules of Procedure for Intellectual Property Rights Cases, ang anumang kautusan o pasya ng korte ay immediately executory. 

Ibig sabihin, marapat nang maipatupad ang ruling ng RTC kahit pa umapela ang TAPE o ang GMA. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *