Inilunsad ng provincial government of Samar ang Tutok at Akyson sa Nutrisyon (TAN) Kitchen, kamakailan sa Tandaya Hall sa Catbalogan City.
Ang TAN Kitchen ay makabagong tugon sa kasalukuyang problema ng malnutrisyon sa lalawigan.
Tututukan ng programa ang tatlong aspeto na kinabibilangan ng preventive, curative, at rehabilitative, na tutugon sa iba’t ibang pangangailangan sa paglaban sa malnutrisyon.
Mag-iikot naman sa buong probinsya ang TAN Kitchen nutri-van, kasama ang mascot na si Super G, upang turuan ang mga bata sa pamamagitan ng storytelling, cooking demonstrations, pamamahagi ng hot meals, at iba pa.