PORMAL na tinanggap ni Calbayog City Mayor “Monmon” Uy ang imbitasyon para sa turnover ceremony ng dalawang tulay sa Barangay Sigo at Barangay Barral na kilala sa tawag na Tulay ng Pangulo.
Itinakda ang turnover sa ika-pito ng mayo, araw ng Martes.
Ang imbitasyon ay isinabay sa courtesy visit ng mga opisyal mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) Region 8.
Nagpasalamat naman si Mayor Mon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at DAR Secretary Conrad Estrella III sa kanilang suporta sa mahalagang infrastructure projects sa lungsod.