27 April 2025
Calbayog City
National

Trust at performance ratings nina Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte, parehong bumaba

trust at performance rating

BUMAGSAK ng double digits ang trust at approval ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, bagaman mayorya ng mga Pilipino ang nananatiling bilib sa punong ehekutibo.

Bumaba ng 13 points ang performance rating ng pangulo sa 55 sa nakalipas na buwan ng Marso mula sa 68 noong December 2023.

16 points naman ang ibinaba ng kanyang trust rating sa March 2024 survey na naitala sa 57 percent mula sa 73 percent noong Disyembre ng nakaraang taon. 

Samantala, pitong puntos ang ibinaba ng trust rating ni Vice President Sara Duterte na naitala sa 71 percent mula sa 78 percent, habang ang kanyang performance rating ay bumagsak din sa 67 percent mula sa 74 percent.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *