Payapa sa pangkalahatan ang naging aktibidad para sa kapistahan ng Itim na Nazareno.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Col. Jean Fajardo, na maliban sa ilang deboto na nagtamo ng minor injuries ay generally peaceful naman ang aktibidad.
Una nang iniutos ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. na tiyakin ang pagpapatupad ng mahigpit na security measures para sa traslacion.
Personal pang binisita ni Acorda ang palibot ng Quiapo Church.
Samantala, umabot sa isandaan apatnapu’t walong truck ng basura ang nakolekta mula sa mga lugar kung saan nagtipon-tipon ang mga deboto matapos ang kapistahan ng Itim na Nazareno.
Ayon kay Manila City Spokesperson Princess Abante, 407 metric tons ng mga basura ang nakolekta ng Department of Public Service ng Lungsod simula Jan. 6 hanggang kaninang alas otso ng umaga.
Sa mismong araw ng Pista ng Nazareno, kahapon, sinabi ni Abante na 128 metric tons ng basura ang nahakot ng apatnapu’t anim na truck mula sa Quirino Grandstand sa Rizal Park hanggang sa mga kalsada patungo sa simbahan ng Quiapo.
Sa monitoring naman ng environmental group na Ecowaste Coalition, kabilang sa mga kalat na iniwan ng mga deboto malapit sa Quirino Grandstand, ay mga pinagkainan, plastic bottles, at iba pang single-use plastics.