18 May 2025
Calbayog City
National

Transport terminals, puspusan na ang paghahanda para sa Holy Week exodus

transport terminals

Puspusan na ang paghahanda ng mga operator ng transport terminals para sa milyon-milyong Pilipino na dadagsa sa mga istasyon ng bus, mga pantalan, at airports para sa Holy Week break sa susunod na linggo.

Sa NAIA terminal 3, umakyat na sa 6,000 ang mga pasahero, at inaasahang lolobo pa ito ng 10 hanggang 15 percent sa Holy Week, na ang peak volumes ay sa Miyerkules Santo at Linggo ng Pagkabuhay.

Sa bahagi naman ng Philippine Ports Authority (PPA), sinabi ng general manager nito na si Jay Santiago na inaasahang papalo sa mahigit dalawang milyon ang bibiyahe sa pantalan, o mahigit sampung porsyento na mas mataas kumpara sa 1.8 million noong nakaraang taon.

Inihayag naman ng pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na inaasahang magsisimulang dumagsa ang bulto ng mga pasahero, ngayong Biyernes hanggang sa April 1.

Samantala, tiniyak ng Toll Regulatory Board na lahat ng kanilang lanes ay bukas sa mga motorista simula sa Palm Sunday, March 24 hanggang Easter Sunday, March 31.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *