27 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Tom Rodriguez, nagbalik sa bansa dalawang taon, matapos ang divorce nila ni Carla Abellana

tom rodriguez

Balik bansa ang aktor na si Tom Rodriguez halos dalawang taon matapos ang divorce nila ni Carla Abellana.

Nakipagkita si Tom sa talent manager at film producer na si Popoy Caritativo, bagaman hindi pa ibinunyag ang detalye ng kanilang meeting.

Sa Instagram, ibinahagi ni Popoy ang pagkikita nila sa Mandaluyong ng aktor, na winelcome naman ng veteran actress na si Coney Reyes at mga supporter ni Tom.

Simula noong 2022 ay tumira si Tom sa US matapos kumpirmahin ang pagdi-divorce nila ni Carla noong Hunyo ng naturang taon.

Noong nakaraang taon ay nag-file ang aktres ng “petition for recognition” ng kanilang divorce sa Pilipinas, dahil hindi ito legal sa bansa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *