Nagpaabot ng kanyang pasasalamat at suporta si Mayor Raymund “Monmon” Uy sa paglulunsad ng Thyromobile Philippines sa Calbayog City.
Ang Thyromobile Philippines (TP) ay itinatag upang palakasin ang thyroid healthcare delivery system para sa kababaihan.
Sa pamamagitan ng capacity-building programs, magbibigay ang TP ng educational at informational services sa health professionals at magdadala ng thyroid diagnostic procedures sa mga nangangailangan.
Inihayag ni Mayor Mon, kasama sina sina City Councilors Rhena Tafalla at Abbie Joy Irigon-Yulo ang pasasalamat ng lungsod sa Thyromobile Philippines sa event na ginanap sa Calbayog Convention Center.