PLANO ni Cong. Stephen James “Jimboy” Tan na palawakin ang mga programa ng TESDA sa unang distrito ng Samar sa pamamagitan ng pagdaragdag ng available na technical courses.
Sa courtesy call kamakailan, tinalakay nina Cong. Tan, Vice Governor Arnold Tan, kasama sina Provincial Director Rey Cueva, PTC TESDA Registrar Ricamel Ediza, at Heracleo Naparan Jr., ang iba’t ibang available na TESDA Programs.
Binigyang diin nila sa pulong na importanteng madagdagan ang technical courses na iniaalok ng ahensya upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa mga indibidwal na natututo ng mahalagang skills.
Layunin ng hakbang na ito na pagbutihin pa ang competitiveness ng mga residente sa unang distrito ng Samar sa job market sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mahalagang skills at kaalaman.