15 February 2025
Calbayog City
Local

Technical Education at Skills Development, pauunlarin sa Unang Distrito ng Samar

NAKIPAGPULONG ang mga opisyal ng Northwest Samar State University (NwSSU) sa Calbayog City kay Samar 1st District Rep. Stephen James “Jimboy” Tan, para talakayin ang plano na maging sentro ng Technical Education and Skills Development.

Layunin ng plano na pormal na i-train ang mga residente mula sa unang distrito ng lalawigan sa mga campus at Satellite Training Centers ng Local Government Units. 

Kaugnay nito, makikipag-ugnayan si Tan sa Concerned Local Chief Executives at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para pabilisin ang paghahanda at pagpapatupad ng programa ngayong taon.

Sa kabila naman ng kanyang limitadong pondo mula sa TESDA, nangako si Tan na magbibigay siya ng personal na additional funding upang epektibong maipatupad ang naturang programa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *