Walang ipapataw na parusa sa teacher na nag-viral sa social media dahil sa panenermon sa kanyang mga estudyante.
Sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, na nakita na niya ang paliwanag ng guro.
Inamin ni Duterte na ang una niyang reaksyon ay tao lang ang teacher at lahat naman ay dumarating sa punto na nagagalit at nadidismaya, lalo na sa mga guro na ang kausap ay 25 hanggang 45, at kung minsan ay 55 na mga mag-aaral.
Aniya, sinabihan niya ang Regional Office na paalalahanan ang teacher na kapag umiinit na ang ulo ay itigil muna nito ang klase at kapag hindi na ito galit ay saka nito ipagpatuloy ang pagtuturo.
Inihayag din ni VP Sara na hindi raw alam ng guro na naka-online ito nang abutan ng galit sa mga estudyante.