20 May 2025
Calbayog City
Entertainment

Taylor Swift, opisyal na idineklara bilang bilyonarya ng Forbes

taylor swift

OPISYAL na ipinakilala si Taylor Swift bilang miyembro ng “Three-Comma-Club,” kasabay ng pagkumpirma ng Forbes na pumalo na sa mahigit isang bilyong dolyar ang assets ng american singer-songwriter.

Sinabi ng financial news outlet na si Taylor ang kauna-unahang artist na nakaabot sa billionaire status dahil lamang sa kanyang musika, at tinatayang mayroon siyang 1.1-billion dollar fortune.

Ang trenta’y kwatro anyos na singer-songwriter ay mayroong malawak na real estate portfolio, kasama ang mga bahay sa New York, Beverly Hills, Nashville, at isang Coastal Mansion sa Rhode Island.

Kabilang sa industry heavyweights na narating din ang kaparehong estado ni Taylor, ay sina Rihanna at Jay-Z, na kumita ng malaki sa pamamagitan ng fashion brands, alcohol companies, o entertainment holdings.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *