GUMAWA ng panibagong Billboard Record ang American Pop Superstar na si Taylor Swift sa pamamagitan ng Top 14 spots sa Hot 100 Chart.
Sa ilalim ng kanyang bagong album na “The Tortured Poets Department,” ang kanyang lead single na “Fortnight” kasama si Post Malone ang nasa No. 1 spot.
Batay sa April 19 to 25 Tally ng Billboard, nakapagtala ang “Fortnight” ng 76.2 million official streams, 31.1 million radio airplay audience impressions, at nakabenta ng 19,000 sa US.
Nakuha rin ng “The Tortured Poets Department” ang top spot ng Billboard 200 Chart.
Sa kanyang Instagram, pinasalamatan ni Taylor ang kanyang listeners sa naabot niyang panibagong milestones.