27 March 2025
Calbayog City
Metro

Taxi Drivers na namimili ng pasahero, hinuli ng LTO

NAGSAGAWA ng operasyon ang Land Transportation Office (LTO) sa mga taxi driver na tumatangging magsakay ng pasahero ngayong holiday season.

Ang operasyon ay ikinasa para mahuli ang mga colorum Public Utility Vehicles (PUVS) at ang mga driver ng taxi na namimili ng pasahero.

Pinangunahan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang operasyon sa bahagi ng sm City North Edsa sa Quezon City.

Ayon kay Mendoza, hindi na uubra sa lto ang nakasanayang kalakaran ng mga taxi driver na namimili ng pasahero at nananaga ng bayad.

Umabot sa labing walong taxi drivers ang naisyuhan ng tiket sa nasabing operasyon, habang dalawa sa mga ito ay bigong magpakita ng prangkisa.

Inatasan ni Mendoza ang lahat ng Regional Directors ng LTO na paigtingin ang kampanya ngayong holiday season.

(DDC)

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *