27 April 2025
Calbayog City
Metro

300 pamilya, naapektuhan ng sunog sa Paranaque City

NASA tatlundaang pamilya ang naapektuhan ng sunog sa tumama sa isang residential area sa barangay San Isidro, Paranaque City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ika-apat na alarma ang sunog na mabilis na kumalat sa mga kabahayan.

Tinaya sa walundaang libong piso ang halaga ng pinsala ng sunog na ikinasugat ng isang residente.

Nahirapan umano ang mga bumbero na apulahin ang apoy na sumiklab malapit sa Manila Memorial Park, at kinailangan pa nilang dumaan sa creek.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *