22 April 2025
Calbayog City
National

3 OFWs, nasawi sa malawakang pagbaha sa UAE

TATLONG Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nasawi sa pagbaha sa United Arab Emirates, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sa post sa X, sinabi ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, na dalawang OFW ang namatay bunsod ng suffocation sa loob ng kanilang sasakyan nang bumaha, habang ang isa pa ay dahil sa vehicular accident.

Tiniyak naman ni Cacdac ang buong suporta at tulong ng pamahalaan sa mga pamilya ng mga nasawing pinoy. 

Noong Martes ay bumuhos ang napakalakas na ulan na nagpabaha sa mga kalsada, kabahayan, at mga mall, at bahagya ring nagpatigil sa operasyon ng airport sa Dubai, bunsod ng bagyo na nag-iwan ng labing walong bangkay sa Oman.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *