INIIMBISTIGAHAN ng pulisya sa Australia ang tatay ni Taylor Swift dahil sa reklamo ng pananakit.
Dumulog sa mga otoridad ang biktimang si Ben McDonald, 51-anyos para ireklamo si Scott Swift, 71-anyos dahil sa panununtok umano nito sa kaniya na nangyari sa Sydney.
Kasama umano ni Scott Swift ang anak na si Taylor Swift nang mangyari ang insidente.
Si McDonald ay isang photographer sa Australia.
Nasa bahagi sila ng Neutral Bay Wharf para kuhanan ang pagbaba ng singer.
Ayon sa Australian media, bumaba ng yate si Taylor Swift kasama ang ama. Tinatakpan pa ng payong si Taylor Swift habang naglalakad pasakay ng kotse.
Ani McDonald, nakasakay na ng kotse si Taylor Swift nang bigla siyang atakihin ng ama nito.
Katatapos lamang mag-perform ni Swift para sa kaniyang concert sa Australia bilang bahagi ng Eras Tour.