HINDI na lamang basta gateways sa Eastern Visayas ang mga lungsod ng Tacloban at Ormoc sa Lalawigan ng Leyte.
Ang mga nabanggit na siyudad ay naging business at tourism hubs sa rehiyon, na ilang dekada ring nakaranas ng mataas na poverty incidence at mapaminsalang mga kalamidad.
Sa ngayon ay isinusulong nina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at Dating Ormoc City Mayor at ngayo’y Leyte Rep. Richard Gomez ang paghikayat ng investments at himukin ang mga turista na bumisita sa dalawang lungsod.
Sa pamamagitan ito ng pag-aalok ng incentives, gaya ng tax holiday at pagtiyak sa mahahalagang imprastraktura, gaya ng mga kalsada, pati na stable ng supply ng kuryente at tubig.