Sinabi ni CAAP Eastern Visayas Area Manager Danilo Abareta, dakong alas diyes ng umaga nang isara ang runway para aspaltuhin matapos masira sa pag-takeoff ng isang eroplano ng Philippine Airlines.
Ang emergency repair ay nagresulta sa pagkansela ng dalawampu’t walong Tacloban-bound at Cebu o Manila-bound flights kahapon.
Ang Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban ay isa sa pinakaabalang paliparan sa bansa na may tatlumpu’t anim na daily flights sa pagitan ng Manila at Cebu.