PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang Local School Board (LSB) meeting para sa buwan ng Abril.
Binigyang diin sa naturang pulong ang matibay na commitment na suportahan ang sports development para sa student athletes sa DepEd Calbayog.
Kabilang sa mga dumalo sa LSB meeting sina:
- OIC SDS Margarito A. Cadayona Jr., PhD, CESO VI
- Hon. Florencio U. Enriquez, Chairman ng Committee on Education and Sports
- Evelyn O. Junio, City Treasurer
- Vaughn Walter Uy, City Accountant
- Sean Gregory, DILG Calbayog
- Romeo Castante, CCPSTA President
- Oscar Billate, Sport Coordinator mula sa DepEd, na nagbigay ng update sa 20-day concentration training and preparation para sa 10-day training para sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) 2024.
Tinutukan sa pulong ang pagpapabuti ng sports programs, pagsusulong ng student athletes’ development, at pagtiyak na magtatagumpay ang sports training initiatives sa lungsod.