13 February 2025
Calbayog City
Local

Sundalo, patay sa sagupaan laban sa mga rebelde sa Matuguinao, Samar


ISANG sundalo ang nasawi makaraang makasagupa ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), sa bayan ng Matuguinao, sa Samar.

Sa report mula sa 8th Infantry Division na naka-base sa Catbalogan City, napaslang sa engkwentro ang 28-taong gulang na si Arvien A. Pajanustan (Inf) na may ranggong corporal, sa Barangay San Roque.

Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkakapaslang sa sundalo na tinamaan ng bala sa leeg.

Hinihinalang bahagi ng Sub-Regional Guerilla unit ng Sub-Regional Committee Emporium na pinamumunuan ni Gino De La Cruz ng NPA, ang nasa sampung nakasagupang rebelde.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *