27 April 2025
Calbayog City
Metro

Sto. Niño de Pandacan Festival, ipinagdiwang sa Maynila

Sto. Niño de Pandacan

Dumagsa ang mga residente at mga bisita sa mga lansangan sa Pandacan, Maynila upang ipagdiwang ang Sto. Niño de Pandacan Festival.

Sabay-sabay isinigaw ng mga deboto ang “Viva Señor Sto. Niño!” Habang nagsasagawa ng ati-atihan parade sa komunidad patungo sa Sto. Niño de Pandacan Parish, kahapon.

Bitbit din ng mga deboto ang kani-kanilang imahen ng batang hesus habang isinasayaw sa parada.

Sa pagtaya ng Manila Police District, nasa labing-isang libong indibidwal ang nakiisa sa pagbabasbas ng imahen ng Sto. Niño. 

Mahigit tatlundaang mga tauhan ng MPD ang idineploy sa Pandacan upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa naturang kapistahan. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *