Guilty ang hatol ng local court sa “Squid Game” actor na si O Yeong Su sa kasong sexual misconduct dahil sa pananakit ng babae noong 2017.
Ang pitumpu’t siyam na taong gulang na aktor ang kauna-unahang South Korean na nanalo ng Golden Globe Award for best supporting actor noong 2022 sa kanyang pagganap sa mega-hit Netflix series na Squid Game.
Ayon sa Seongnam (song-nam) Branch ng Suwon District Court, sinentensyahan ang veteran actor ng walong buwang pagkabilanggo.
Obligado rin si Yeong Su na kumpletuhin ang apatnapung oras na leksyon tungkol sa sexual violence.