Pinabulaanan ni Ogie Diaz na may “something special” sa pagitan nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.
Sa vlog sa youtube, pinag-usapan ni Ogie at ng co-host nito na siMama Loi ang pagkikita nina Richard at Barbie sa Tipsy Pig sa Westgate, Alabang, Muntinlupa noong Sabado.
Nakuhanan ito ng video at nag-viral sa social media, sa gitna ng balitang hiwalay na ang aktor sa misis niya na sa Sarah Lahbati.
Nanindigan si Ogie na walang namamagitan kina Richard at Barbie, ayon sa kanyang mapagkakatiwalaang source.
Isa aniya ang aktres sa shareholders ng Tipsy Pig, at bilang isa sa mga may-ari ay obligasyon nito na pumunta sa negosyo nito para mag-entertain ng mga bisita.