HINILING ng Swara Sug Media Corporation, ang legal operating name ng Sonshine Media Network International (SMNI), sa court of appeals na mag- isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa 30-day suspension order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Sinabi ni Mark Tolentino, counsel ng Swara Sug, na naghain sila ng TRO dahil sa tingin nila ay hindi sila nabigyan ng pagkakataon na sagutin ang mgaalegasyon laban sa kanila.
Idinagdag ni Tolentino na mistulang isinuko ng NTC ang otoridad nito sa kamara na unang nanawagan ng suspensyon laban sa SMNI.
Binigyang diin ng abogado na ang house resolution ay limitado lamang para umaksyon “In Aid Of Legislation” at hindi para magpataw ng parusa.
Sinegunadahan ito ng isa pang counsel ng Swara Sug na si Rolex Suplico, sa pagsasabing hindi makatarungan na parusahan ang buong network, gayung dalawa lamang sa mga programa nito ang umano’y lumabag sa mga panuntunan.