Hindi lamang ang mga nurses kundi maging skilled workers ang kailangan ngayon ng Germany.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne Caunan na kailangan din ng Germany ng mga manggagawa sa hospitality industry.
Ayon kay Caunan, nilagdaan ng Pilipinas at Germany ang joint declaration of interest na nakaangkla sa 10-year old triple win program para sa recruitment ng nurses overseas.
Dagdag ni Caunan, pinag-aaralan ngayon ng dalawang bansa ng pagkuha ng skilled Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ang Germany ang ikaapat na bansa na nakasundo ng Pilipinas para tugunan ang kakulangan ng mga manggagawa.
Kabilang sa mga nakausap na ng Pilipinas ang Canada, Vienna at Austria.