Bahagyang tataas ang singil ng Meralco ngayong Enero bunsod ng nagmahal na presyo ng kuryente sa spot market.
Sinabi ng power distributor na tataas ng 8 centavos per kilowatt-hour ang electricity rate ngayong buwan.
Nangangahulugan ito na posibleng madagdagan ng 17 pesos ang electricity bill ng mga customer na kumu-konsumo 200 kilowatt-hour.
25 pesos naman ang madaragdag sa bill ng mga kumu-konsumo ng 300 kilowatt-hour; 34 pesos sa 400 kilowatt-hour; at 42 pesos sa 500 kilowatt-hour.