NAPANALUNAN ng historical epic na “Shogun” ang prestihiyosong Best Drama Award sa Emmy Awards, habang wagi rin ang “Hacks” bilang Best Comedy.
Nanalo ang japanese actors na sina Anna Sawai at Hiroyuki Sanada ng best actress at best actor para sa “Shogun” habang itinanghal si Frederick E. O. Toye bilang Best Director for a Drama Series para sa naturang show.
ALSO READ:
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
Nagwagi rin ang television ng series ng labing apat na trophies sa Creative Arts Emmys na kumikilala sa mga guest actors at crafts, gaya ng cinematography at production design.
Napukaw ng naturang series ang atensyon ng marami dahil mayorya ng cast ay Japanese, gayundin ang ginamit na primary language.
