Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si Senator Jinggoy Estrada sa kinakaharap nitong kasong plunder kaugnay sa umano ay pagkakasangkot niya sa multi-billion peso na pork barrel scam.
Sa isinagawang promulgation sa kaso ng Senador NOT GUILTY ang hatol kay Estrada sa kasong plunder.
Gayunman, napatunayang GUILTY ng korte si Estrada para sa kinakaharap nitong kasong direct bribery at 2 counts ng kasong indirect bribery.
Parusang 8 hanggang 9 na taon na pagkakabilanggo ang kakaharapin ni Estrada para sa direct bribery case at 2 hanggang 3 taon na pagkakabilanggo naman para sa mga kasong indirect bribery.
Ayon sa abogado ni Estrada na si Atty. Alexis Abastillas Suarez, pag-aaralan muna nila ang naging pasya ng korte bago magdesisyon sa susunod na hakbang para sa bribery case.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umano ay ilegal na paggamit ni Estrada sa kaniyang pork barrel funds noong 2004 hanggang 2010.
National
Sen. Jinggoy Estrada pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong plunder; pero guilty sa kasong bribery
- by Donna Cargullo
- 19 January 2024


Donna Cargullo
Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.
Related News
BREAKING NEWS: POPE FRANCIS PUMANAW NA
21 April 2025