20 May 2025
Calbayog City
Local

Security Concerns at pagtiyak sa kaligtasan ng mga Calbayognon, tinalakay sa unang pulong ng LPET

PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang unang meeting ng Local Peace Engagement Team (LPET) sa LGRC Hall sa DILG Calbayog City Office.

Sinimulan ang pulong sa pamamagitan ng orientation sa mga tungkulin at functions ng LPET at Local Peace Panel, at pagbibigay ng komprehensibong pagpapaunawa sa kani-kanilang magiging papel sa pagsusulong ng kapayapaan at pagresolba sa mga hindi pagkakaunawaan sa loob ng komunidad.

Sa naturang meeting ay tinalakay ang kasalukuyang peace and order situation, pati na ang mga pananaw at updates na ibinahagi ng 43rd Infantry Battalion.

Layunin ng pagbabahagi ng kaalaman na matugunan ang anumang security concerns at matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Calbayognon.

Ipinakilala rin ang bagong Commanding Officer ng Calbayog City Inter-Agency Task Group, sa pamumuno ni 1st Lt. Oliver Angeles Jr., Officer-In-Charge ng Charlie Company mula sa 43rd IB.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *