Isang sawa ang natagpuan sa isang silid-aralan sa Ormoc City, sa lalawigan ng Leyte.
Agad nakipag-ugnayan ang school officials sa mga otoridad upang masagip ang ahas at maiwasan ang anumang insidente sa paaralan.
Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Ormoc City Fire Station at natukoy ang ahas na reticulated python na may habang walong talampakan at may timbang na 4.6 kilos.
Pinaniniwalaang naghahanap ng pagkain ang sawa hanggang sa mapadpad ito sa eskwelahan.
Itinurnover ang ahas sa Environment and Natural Resources Office (ENRO) sa Barangay Bantigue, sa Ormoc City.