27 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Sarah Lahbati, naispatan na may kasamang mystery man sa Hong Kong

NATUON ang atensyon ng netizens kay Sarah Lahbati nang maispatan itong may kasamang mystery man sa Hong Kong, ilang linggo matapos kumpirmahin ng aktres ang paghihiwalay nila ng kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez.

Sa episode ng showbiz updates vlog ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz, ipinakita nito ang litrato na ipinadala sa kanya ng isang kababayan.

Nakasabay daw ng kanyang source sa restaurant sa Hong Kong si Sarah na nasa kabilang table lamang at may kasamang lalaki.

Inamin ni Ogie na wala siyang ideya kung kaano-ano ng aktres ang mystery man, at nahiya rin daw ang kanyang source na lapitan si Sarah para magpa-picture.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *