Magkakaroon ng power interruption sa ilang bahagi ng Calbayog City, ngayong Biyernes.
Batay sa abiso ng SAMELCO I, mapuputol ang supply ng kuryente simula mamayang alas nueve ng umaga hanggang ala singko ng hapon.
Ayon sa power distributor, dahil ito sa isasagawang clearing ng distribution lines sa kahabaan ng Oquendo Poblacion.