KABILANG ang Samar Island Natural Park (SINP) na may lawak na 335,105 hectares, sa tentative list of nominees para sa UNESCO World Heritage Site para sa Natural Wonders.
Ayon sa UNESCO, isa ang SINP sa dalawampu’t apat na lugar sa Pilipinas na nakapasok sa naturang listahan.
Sinabi ni Samar Governor Sharee Ann Tan na labis siyang natutuwa na nakapasok ang SINP sa tentative listing, dahil matagal na niyang isinusulong na mapabilang ang lugar sa UNESCO World Heritage Site.
Noong 2018 ay isinulong ni Tan na makasama ang Samar Island Natural Park sa listahan ng UNESCO.