8 February 2025
Calbayog City
National

Sama ng loob ng Unang Ginang, walang kinalaman sa mandato ng Bise Presidente

BINIGYANG diin ni Vice President Sara Duterte na hindi saklaw ng kanyang mandato bilang opisyal ng pamahalaan ang sama ng loob sa kanya ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ginawa ni VP Sara ang pahayag sa pamamagitan ng video message, ilang araw makaraang isiwalat ng Unang Ginang ang mga sentimyento nito laban sa Bise Presidente.

Sinabi ng Vice President na bilang tao, karapatan ni Ginang Marcos na makaramdam ng sama ng loob at galit, subalit ang personal na damdamin nito ay walang kinalaman sa kanyang mandato bilang public servant. 

Sinabi pa ni Inday Sara na para makausad ay mag-uusap sila ng pribado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga susunod na hakbang.

Noong nakaraang linggo ay inamin ng Unang Ginang na hindi niya nagustuhan ang pagdalo ni VP Sara sa Anti-Charter Change Rally noong Enero at naispatang tumatawa sa sinabi ng Ama nito na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na “Bangag” ang Pangulo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *