SAMPU katao ang nasawi nang magsalpukan sa ere ang dalawang helicopters sa rehearsal para sa isang Royal Malaysian Navy Parade.
Ang mga biktima ay pawang crew members ng helicopters na sangkot sa aksidente, sa Lumut Naval Base sa Western State ng Perak.
Ayon sa Malaysian Navy, lahat ng mga biktima ay kumpirmadong dead on the spot at ipinadala na ang mga ito sa Lumut Army Base Hospital upang matukoy ang kanilang mga pagkakakilanlan.