27 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Rommel Padilla, pumalag sa Fake Quote Card na ipinagtatanggol ang anak na si Daniel Padilla

PUMALAG ang aktor na si Rommel Padilla sa fake quote card kung saan ipinagtanggol niya ang pambababae ng kanyang anak na si Daniel Padilla. 

Sa kanyang facebook account, ipinost ni Rommel ang fake quote card at pinaalalahanan ang publiko na huwag agad maniniwala sa mga nakikita nila sa online.

Idinagdag ng aktor na mayroong pananagutan sa batas ang pagpapakalat ng fake news. 

Sa pekeng quote card, sinumbatan din umano ni Rommel ang ex-girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo, sa pagsasabing kung wala ang kanyang anak ay wala sa kinalalagyan nito ngayon ang aktres.

Guwapo rin daw ang anak niya kaya dapat inasahan na ni Kathryn na hindi lang ito ang babae sa buhay ni Daniel.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *