Itinanggi ng aktres na si Gela Atayde na buntis ang kanyang kapatid na si Ria Atayde kaya magpapakasal ito sa fiance na si Zanjoe Marudo.
Sinabi ni Gela na na-diagnose si Ria na mayroong Polycystic Ovary Syndrome (PCOS), kaya milagro sa ngayon na magbuntis ang kapatid.
Gayunman, plano talaga ng engaged couple na bumuo ng pamilya, at suportado aniya ito ng kanilang mga magulang, lalo’t magti-32 na si Ria ngayong taon.
Noong nakaraang buwan lamang ay inanunsyo nina Ria at Zanjoe ang kanilang engagement sa pamamagitan ng social media.