26 March 2025
Calbayog City
Sports

Rhenz Abando, balik hardcourt makalipas ang 3 buwan

Rhenz Abando

Balik hardcourt si Rhenz Abando, halos tatlong buwan, matapos makarekober sa multiple injuries na kanyang natamo noong huling bahagi ng nakaraang taon, sa laban ng Anyang Jung Kwan Jang kontra Goyang Sono sa Korean Basketball League (KBL).

Nakatakda ring sumama ang Filipino import sa nalalapit na kampanya ng Anyang sa East Asia Super League (EASL) Final Four na ang kick-off ay gaganapin sa Cebu, simula March 8 hanggang 10.

Makakasagupa ng Anyang ang Korean Rival na Seoul SK Knights sa Semifinals sa March 8, ala singko ng hapon at susundan ito ng paghaharap ng Chiba Jets kontra new Taipei Kings ng alas otso ng gabi.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *