Pinasalamatan ng veteran actor na si Tirso Cruz III si pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-appoint sa kanya bilang Chairman at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) dalawang taon na ang nakalipas.
Sa statement kasunod ng kanyang resignation bilang pinuno ng FDCP, sinabi ni Cruz na bagaman hindi na siya ang chairperson ay bahagi pa rin siya ng organisasyon at ipagpapatuloy niya pagsuporta sa Philippine film industry bilang aktor at pribadong mamamayan.
Una nang inihayag ni FDCP Technical Consultant Jose Javier Reyes na nag-resign si Cruz bunsod ng personal reasons.
Itinalaga naman si Rica Arevalo bilang Officer-In-Charge habang naghihintay pa ang ahensya ng appointment para sa bagong chairman mula sa Malakanyang.