Pinamamadali ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang relief operations para sa mga nasalanta ng matinding pagbaha sa Northern at Eastern Samar.
Sa situation briefing sa Tacloban, inatasan ng pangulo ang Department of Public Works and Highways na bilisan ang clearing operations sa mga binahang kalsada upang masiguro ang agarang paghahatid ng relief goods.
Sinabi naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na may nakahanda na silang 100,000 food packs para sa mga apektadong pamilya.
Isinasapinal na rin ng DSWD ang listahan ng mga pamilya na napinsala o nawasak ang bahay para sa kaukulang rebuilding assistance.
Samantala, sinabi ni Marcos na mamamahagi rin ang Department of Agriculture ng mga binhi at iba pang agricultural products sa mga biktima.