Posibleng makapag-produce ng record-high na volume ng palay ang bansa na halos 21 million metric tons ngayong 2024, sa kabila ng banta ng El Niño sa mga sakahan.
Sa pagtaya ng Department of Agriculture, maaring umabot sa 20.881 million metric tons ang palay output ngayong taon, na mas mataas ng 4 percent kumpara sa 20.059 million metric tons noong nakaraang taon, batay sa outlook ng ahensya, as of March 21.
Ang estimated increase sa overall palay production ngayong taon ay nasa 880,000 metric tons, na katumbas ng halos 540,000 metric tons ng additional rice stocks para sa bansa.