PINANGUNAHAN ni Premier Volleyball League (PVL) MVP Tots Carlos ang listahan ng Filipina Hopefuls sa 2024 Korean V-League Women’s Asian Quota Draft.
Si Carlos na 4-Time Champion sa pamamagitan ng pvl Winningest Club na Creamline, ay isa sa mga pangalan sa 36-player pool, kasama ang isa pang dating MVP na si Mylene Paat ng Chery Tiggo crossovers at Petro Gazz Ace na si MJ Phillips.
Una nang inihayag ni Carlos noong December 2023 na hindi niya isinasara ang kanyang pinto sa paglalaro sa ibang bansa.
Sakaling mapili, ito ang kauna-unahang stint ni Carlos sa International Scene.