27 April 2025
Calbayog City
National

Publiko, pinag-iingat ng DepEd sa “pang baon” post sa Facebook

pang baon deped

Binalaan ng Department of Education (DepEd) ang publiko kaugnay sa pekeng posts na ipinakakalat sa Facebook tungkol sa umano ay libreng baon para sa mga Grade 1 hanggang Grade 6 learners.

Sa nasabing post na ginamitan pa ng logo ng DepEd at larawan ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte, nakasaad na mayroong libreng pabaon sa mga Grade 1 hanggang Grade 6 students.

Paalala ng DepEd sa mga magulang at guardians, huwag basta-basta ibabahagi sa ibang tao ang school information at identification ng kanilang mga anak.

Upang hindi maloko, sinabi ng DepEd na ang mga mahahalagang impormasyon ay ibinabahagi lamang sa official social media accounts ng kagawaran.

Hinikayat din ang publiko na ireport sa kagawaran ang mga peke at kahina-hinalang impormasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa depedactioncenter@deped.gov.ph.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *